“Tingnan mo! Dali, tingnan n’yo! ‘Yung bata, tatlo-talo ang bitbit na goto!” Ito ang hiyawan ng mga tao noong makita siyang bumaba ng bangka at umakyat mula sa pampang ng ilog. Para siyang nagugulumihanan na parang naaaliw sa atensyong ibinibigay sa kanya ng mga tao.
Gayon pa man, patuloy siyang lumakad, sinusundan ang kaniyang kuya, na tatlo-talo rin pala ang hawak na mangkok. Kaya’t nagprisinta akong kunin ang tig-isa nilang hawak na goto at inalok silang samahan pauwi sa kanilang bahay. Sabay-sabay na kaming naglakad, kasama ang iba pang mga batang may bitbit ding goto para sa kanilang mga kapatid at magulang.
Habang naglalakad, tinatanong ko sila kung kumusta na sila, at ang kanilang pamilya. Mabuti naman na daw kumpara noong pagkatapos ng pagbaha. Dahil puro kapatagan ang lugar at wala akong makitang mataas na bahay o gusali na puwede nilang paglikasan, tinanong ko sila kung saan sila pumunta upang makaligtas. “Doon po,” ang sagot nila, sabay turo sa isang burol sa malayo.
May kahabaan na rin ang aming nalakad, narating na namin ang mga kabahayan, nang tinanong ko ang kuya niya kung malayo pa ba ang bahay nila. Sumagot ito, “Doon pa po kami sa bukid.” “Malayo pa?,” ulit ko. “Medyo po,“ ang sagot niya.
Maya-maya, may pinasukan silang isang bahay. Nanghiram sila ng lalagyan, ‘yung plastic container ng Stick-O, para pagsalinan ng goto. Pagkatapos niyon, nagpaturo ako sa kuya niya ng daan pabalik. Nagpaalamanan na kami at bumalik na ako sa mga kasamahan ko.
Naging usap-usapan sa aming opisina ang batang may bitbit na tatlong goto. Naisipan kong ang larawan niya ang gamitin para sa imbitasyon namin para sa mga gustong sumulat para sa aming babasahin. Lalo siyang naging paksa ng mga usapan.
Hanggang sa nabuo ang planong hanapin at kilalanin siya. Ano ba ang kanyang pangalan. Ano’ng uri ng pamumuhay ang mayroon sila. Para kanino ang hawak nilang goto?
Nanghingi ako sa pamunuan ng kumpanya ng ilang relief goods para may mabitbit ako sa pamilya niya pagtungo roon. Hindi naman ako nabigo. Apat na bag ng relief goods ang ibinigay sa akin para sa kanya at sa kanyang pamilya.
Bukod dito, naghanda rin ako ng dalawang aklat para sa kanila ng kuya niya. Mga story books - yung isa ay bago, yung isa, libro ng anak ko.
Kasama ang isang katrabaho na medyo may alam sa lugar, binagtas namin ang daan pababa sa may ilog. Naglakad kami ng may dalawampung minuto bago namin narating ang sakayan ng bangka. Sumakay kami roon para makatawid sa “Ibayo”. Tatlong piso ang bayad kada isang tao.
Hawak ang kaniyang larawan, hinanap ko ang bahay na tinigilan namin noon, ‘yung hiniraman nila ng lagayan para sa bitbit nilang goto. Kumatok kami sa bahay at nagtanong. “Kilala ninyo po ba ang batang ito?” Sumagot ang naroroon, “Oho, pamangkin ko siya. Andrea ang pangalan niya. Ano po’ng kailangan ninyo sa kanya?”
Nagpakilala kami ng kasama ko at ipinaliwanag sa kanya ang aming pakay – na nais naming makilala si Andrea, na nais namin itong i-feature sa aming babasahin. Tinanong ko kung saan banda nakatira ang bata. Nagprisinta siyang samahan kami, malayo pa raw kasi, sa may bukid.
Maputik ang daan patungo sa bukid. Nadaanan namin ang ilang taong abala sa kanilang mga gawain - may naglalaba sa may poso, may naglilinis ng bahay, may nagkukuwentuhan, may nagpapaligo ng kalabaw. Tinitingnan nila kami. Marahil, nagtataka sila kung sino kami at kung bakit kami naroroon.
Tinanong ko ang pangalan ng sinusundan namin. “Norberto po,” sagot niya. “Nariyan kaya si Andrea, pati ang kuya niya?”, ulit ko. Sa halip na sumagot, nagpaalam siyang may pupuntahang isang bahay. Pagbalik niya, kasama na niya ang batang pakay namin. “Nandoon si Andrea sa tiyahin niya. Naglalaro.”
Siya nga ang batang nasa larawan. Maliit at may katamtamang katawan. Maiksi na medyo maalon ang buhok. Mapula ang labi at palangiti. Si Andrea. Ipinakita ko sa kanya ang kuha naming larawan. “Ikaw ba ito?”, tanong ko. Ngumiti lang siya. “Ilang taon ka na?” “Pito po.” “Halika, samahan mo kami sa bahay ninyo.”
Sabay-sabay na kaming lumakad patungo sa bahay nila sa may bukid. Lumubog daw sa baha ang mga palayang naroroon. Mabuti at hindi ito napinsala ng tuluyan. Sa dulo ng malawak na taniman, matatanaw ang isang burol. “Doon po kami pumunta noong bumaha”, ang wika at sabay turo ni Norberto. Sa isip-isip ko, “Ang layo noon ah. Paano sila nakarating doon ng mabilisan?”
Makalipas ang ilan pang sandali, narating na namin ang pilapil na patungo sa bahay nila. Sinalubong kami ng kaniyang nanay, si Marites. “Magandang Hapon po!”, bati ko. “Tuloy po kayo”, anyaya niya.
Sa pakikipanayam ko kay Nanay Marites, nalaman ko na Andrew ang pangalan ng kuya ni Andrea. Siyam na taong gulang na ito at nasa paaralan noong mga oras na iyon. Ang bunso, na tahimik na nagmamasid sa amin, ay nagngangalang Anthony, 4 na taong gulang. Ang haligi ng tahanan, si Tatay Onto, ay nagtatrabaho bilang pahinante ng truck sa may Marikina. Gabi pa ang uwi.
“Lampas bubong ang naging baha sa amin”, kuwento niya. “Noong mga hanggang hita pa lang ang baha, isa-isa kaming isinakay sa bangka – ang mga bata muna, tapos ang mga kababaihan, huli ang mga ama ng tahanan. Nagpabalik-balik ang bangka hangang makuha ang lahat ng mga tagarito. Gabi na noong magkita-kita kami ng mga anak ko sa may evacuation center. Si Onto, umaga na namin nakapiling.” Ang evacuation center na sinasabi niya ay nasa mataas at dulong bahagi ng Quezon City, sa may bandang Litex.
Walang bubong ang ilang bahagi ng bahay nila, hanggang noong oras na iyon. Wala pa raw kasi silang pambili ng yero. Maliit lamang ito, yari sa pinagtagpi-tagping kahoy at yero. Maputik ang kanilang sahig. Mayroon lang silang isang maliit na papag para higaan. May kung ilang gamit sa kusina, nakapatong sa sirang eskaparate.
Tinangay ng baha ang lahat ng kanilang gamit. Walang natira sa kanila kundi ang kanilang mga kasuotan. Maging ang bahay ng kanilang kapitbahay, inanod.
“Mahirap po ang buhay dito sa Ibayo”, patuloy ni Nanay Marites. “Walang kuryente. Walang tubig. Kinakailangan naming mag-igib sa poso para sa aming inumin at pampaligo, doon pa sa malayo. Hindi rin naman namin kayang umupa ng bahay sa bayan.”
Tinanong ko kung nag-aaral si Andrea. “Ngayong taon sana”, sagot niya. “Sabay sana silang Grade 1 ng kuya Andrew niya ngayong taon. Kaya lang, kapos kami sa pera, si Andrew lang ang naipa-enroll namin. Siguro sa isang taon na lang.” Dapat sana ay Grade 3 na si Andrew at Grade 1 naman si Andrea.
Dahil nga sa nangyaring pagbaha, natangay pati ang gamit sa pag-aaral ni Andrew. “Noong kailangan na niyang pumasok sa paaralan, naghanap kami sa mga basurang inanod ng puwedeng magamit na bag ni Andrew. Tapos bumili kami ng dalawang pirasong kuwaderno, matapos sumahod ang aking asawa, para lang may magamit siya.” Dito, nakita kong nagsisikap naman silang mag-asawa na mapag-aral ang kanilang mga anak, kapos lang talaga. At kay Andrew, bilib ako kasi may determinasyon siyang mag-aral, kahit iilan lang ang kaniyang mga gamit.
Tinanong ko naman si Andrea kung ano ang naramdaman niya noong bumaha. Nagulat ako sa sagot niya: “Masaya po.” “Bakit ka naman masaya noon.” “Kasi po, sumakay kami sa bangka.” Ang mga bata talaga, ang babaw ng kaligayahan. Sana katulad nila tayo.
“Eh, paano naman noong nakita mo ang nangyari sa bahay ninyo, sa mga gamit n’yo?”, dagdag kong tanong. “Nalungkot po noong nakita kong nataranta si Nanay at problemado si Tatay.” Tahimik na nakikinig lang ang nanay niya.
Pagkatapos ng aking panayam, iniabot ko na ang aming dalang relief goods. Masaya itong tinanggap ni Nanay Marites. Kay Andrea, iniaabot ko ang aklat na dinala ko para sa kanya at sa kanyang kuya. “Salamat po”, nakangiti niyang sabi. Pagdaka, nagpa-alam na kami sa kanila.
Binagtas naming muli ang maputik at liku-likong landasin ng Ibayo, pabalik sa magulo at maingay na Bayan. Umaasang bukas isang-araw, makikita kong muli si Andrea - nakangiting naglalakad, may bitbit na bag, patungo sa paaralan, aabutin ang magandang kinabukasan.

0 comments:
Post a Comment