03 March, 2010

Sumilay Na Ngiti


“Simpleng buhay na kay sigla. Mayroong lungkot, mayroong saya.”

Titik mula sa isang awiting pinasikat ni Ariel Rivera. Himig na inaawit ko sa tuwing aking maiisip na ako nga ay naririto na at nagtatrabaho sa RPLAI – isang simpleng kumpanya para sa isang simpleng taong katulad ko.

Noong ako ay bago umalis sa aking dating pinapasukan, tinanong ako ng aking mga katrabaho kung saang kumpanya ako papasok. Ang sabi ko ay sa RIZAL. “Rizal? Rizal Cement?”, ang paulit nilang tanong. Sumagot ako, “Hindi. Sa Poultry.” “Pare, ibig mong sabihin, magbibilang ka ng itlog!” ang sahod nila, kasabay ang malakas na tawanan. Pero biro lamang iyon. Alam naman nilang mga kaibigan ko na ganoon talaga ang tipo ko. Simple.


Sa RIZAL, hindi nga kataasan ang suweldo subalit sulit naman dahil sa lapit. Sa dati kong trabaho, medyo malaki nga ang aking natatanggap, talo ka naman sa pamasahe. May mga araw na na hindi ako makapasok dahil kulang na ang hawak kong pera. Ang porma pa ng bihis ko noon – naka-long sleeves o naka-barong. Wow, hanep ng dating! Pero kung sisilipin mo ang aking pitaka, wala itong laman kung hindi ID, calling cards, at wala na. Mangungutang na naman ako ng pera para may pang-brunch (breakfast and lunch combined) at pamasahe pauwi. It was very humbling!



Dati rati, halos tatlong oras akong nagbibiyahe patungo sa kumpanyang aking pinapasukan. Nariyang makatulog ako sa FX dahil sa tindi ng traffic. Minsan naman, halos mamanhid na ang aking binti dahil sa sikip at tagal ng paglalakbay. Napaka-insensitive pa ng katabi ko (Miss, puwedeng makiusog ng kaunti?!!!) Muntik pa akong magkaroon ng sakit sa bato dahil sa pagpipigil ng pag-ihi (‘Nay ko po, traffic na naman!). Ang uniform ko na pinaghirapang plantsahin ng aking asawa ay lukot na pagdating ko ng opisina. Whew! Ang dami kong hirap na dinanas nang nagdaang mga taon.

Sa uwian, gustong-gusto ko nang makarating sa aming tahanan. Pero imposible. Parang pagong ang pag-usad ng sasakyan sa Aurora Boulevard. Hindi ko naman kayang lumipad. Lalo na kapag ganitong panahon ng tag-ulan. Pahirapan na ang kumuha ng sasakyan (Aray, ang sakit na nang mga paa ko!), aabutin ka pa ng siyam-siyam sa kalye dahil sa traffic. Minsan nga, minamasdan ko ang mga katabi kong pasahero. Pawang mga tulog. Nakakaawa. Tila ba pagod na pagod. Katulad ng nararamdaman ko. Ang sabi ko sa sarili ko, hindi ito ang uri ng buhay na nais ko.

Sa bahay pagdating ko, tulog na ang mga anak ko. Hindi ko na sila nalalaro. Pagtingin ko sa orasan, alas onse na. Bubuntunghininga ako ng malalim. Kasi ba naman, ilang oras na lang ang aking itutulog. Para bang kahuhubad ko lang ng medyas, heto na naman ako at magbibihis para pumasok. Ni hindi man lang nakahinga ang aking paa. Ang misis ko, maaga ring babangon para asikasuhin ako. Medyo mainit pa ang ulo dahil puyat din sa paghihintay sa akin. Tapos, magmamadali na naman akong aalis. Tulog pa rin ang mga anak ko. Ano ba yan?!

Minsan, naiisip ko na may mga bagay akong nami-miss sa buhay ng pamilya ko. Para bang may bahagi ng buhay nila na hindi ako kasali. Kasi nga, lagi akong wala. Hindi ko na nasusubaybayan na nagsasalita na pala ang bunso ko. At matigas na pala ang ulo ng panganay ko. May mga biruan sila na hindi ko masakyan. Lumalaki sila nang hindi ko namamalayan. Aba, hindi yata maganda ‘yon. Kaya’t nagpasya akong lumipat ng pagkakakitaan. At ako nga ay napadpad dito sa RIZAL. Mga dalawang buwan na ang nakararaan.

Am I making sense? Sana oo. Ang hirap lang kasi ng pinagdaanan ko. Parang isang bangungot na ninais kong malampasan.

At ngayon nga, malapit na ang aking pinapasukan. Para akong uod na nakalabas mula sa cocoon na kanyang naging kulungan. Ngayon, ako’y isa nang paru-paro na masayang lumilipad, dinadama ang init ng araw at dinadalaw ang mga bulaklak. Ang RIZAL ang nagbigay sa akin ng pakpak upang mabuhay ng naaayon sa aking mga pangarap. Simple, payapa.

Ang pagtatrabaho ko sa RIZAL ay nagbigay sa aking sarili ng oras upang masdan ang kagandahan ng buhay at daigdig. Natatanaw ko ang bundok sa aking pagpasok sa umaga. Nasisilayan ko ang haring araw sa kanyang paglubog. Nagiging musika ang mga patak ng ulan sa payong na ibinigay ni Ate. Namamalas ko ang kasiyahan ng mga batang naglalaro sa kalye. Nakikita ko ang mga nanay at kasambahay na namamalengke (Hayun, amoy bagong gising pa yung isang ale!). Relaks ang paligid. Nag-aanyaya upang makapag-isip ng masasayang nagdaan. Nagbibigay ng oras upnag magplano ng mga bagay na makabuluhan.

Naniniwala ako na ang tao ay hindi nilalang ng Diyos upang maging alipin ng kung ano. Man should enjoy his existence. Gayon din sa trabaho. Ito ay dapat maging kawili-wili at hindi dapat maging pasanin. At ang RIZAL ang naging daan upang maging ganap ito. Ngayon, papasok ako na medyo basa pa ang buhok. Tahimik akong magtatrabaho. At uuwi akong may kagalakan dahil isang araw na naman ang lumipas na naging kasiya-siya. Gigising ulit ako kinabukasan nang may kasabikang harapin ang hamon ng panibagong maghapon.


Ang pagkakapasok ko sa RIZAL ay nagbigay sa aking pamilya ng kaayusan. Maaga akong nakakauwi. Nakakapagkuwentuhan kami ng misis ko. Nakakalaro ko ang mga inakay ko. Wala na sigurong ibang bagay ang makahihigit doon. Sa umaga, nalalabhan ko pa ang kumot na naihian ng anak ko. Nakakasalo ko pa sa kape ang bunso ko. Nakaka-kiss pa ako kay misis pag-alis ko. Pag-uwi, puwede ko pang dalhin sa tindahan ang mga anak ko upang ibili ng kung ano-ano. Ito lang naman ang kaligayahan ko – ang makitang masaya ang aking kabiyak at ang mga batang ipinagkatiwala ng Diyos na maging bahagi ng buhay ko.



Wala akong yaman na katulad ng sa iba. Hindi ko alam gamitin ang cellphone dahil wala ako niyon. Wala akong honor pagka-graduate ko. Hindi pinapansin ng mga talent managers ang hilatsa ng mukha ko. Pero may pamilya ako na nagawa kong pakainin at bihisan ng maayos. Ang pagiging buo pa rin namin ay hindi matatawaran. Sila ang tanging karangalang maipagmamalaki ko. Kaya’t hindi ko hahayaang masira ito. Sila ang aking tropeo na magpapatunay na may saysay ang paglalakbay ko dito sa mundo.


Sa pagkakapadpad ko dito sa RIZAL, ako ay muling naging buo. Ang galak ay muli kong natikman. Ang pag-asa ay muli kong nasilayan. Ang hirap nang nagdaan ay dagli kong nalimutan. Ang guhit sa aking noo ay napawi nang tuluyan. Ang pagpapasalamat ay muling naramdaman. Hindi tulad noon na ang pagngiti ay tila ba aking nalimutan. Ngayon, bawat oras ay nais kong magsayaw (You should see me dance). I feel so free!



RIZAL, salamat sa iyong pagtangap sa aking hamak na kalagayan. Asahan mong ibibigay ko ang lahat ng aking makakayanan. Ang talino at lakas ay patuloy na ibabahagi sa iyo. Ito ay sukli ko sa pagbibigay mo sa akin ng daan upang ako at ang aking pamilya ay mamuhay sa kapayakan. Payak ngunit may kabuluhan. Payak ngunit may kasiyahan. Ito ang iyong kahalagahan sa aking buhay at maging sa aking pamilya.


Dahil sa iyo ay sumilay na muli ang ngiti sa aking mga labi. Salamat.

“You’ve brighten my day, you’ve shown me my direction.
You’ve come to and given me inspiration…”

Note:

The article was written ten years ago, for the essay writing contest of RiPLAI with the theme “Ano Ang Kahalagahan Ng Rizal sa Aking Buhay at Sa Aking Pamilya”. This was during the 25th anniversary celebration of the company. I won first place. I am celebrating today my 10th year with the company.

The pictures were taken at SM Mall of Asia. Ten years ago, when the said huge piece of land was still empty, when they were still building the foundations of the enormous mall, I was able to visit the area, with some officemates (I used to work on a company located on the same reclaimed area of the Manila Bay). Man, I marvel at how beautiful it has become!

01 March, 2010

I Am A Blood Donor

I was surprised recently when I received a box of Banapple cake, with a “thank you” card, from somebody whom I found out was able to use my Red Cross Blood Donor Card for his operation. I do not know him. Somebody from the office just asked for a Red Cross card and I handed mine, without knowing that it could be of help. I just want to say to him, “Thank You.” I was really touched by his gesture of appreciation. I pray that he will get well soon.

The first time I became a blood donor was in year 1998 when my wife delivered our second child in Fabella Hospital. Since she will be undergoing caesarian operation then, we have been required to donate 4 bags of blood to their bloodbank. I immediately offered myself but we still needed three more. I have asked our relatives, even those of my wife, to volunteer but nobody heeded our request. They were either too afraid or just did not care (nagtampo tuloy kami sa kanila). Before we were allowed to check-out from the hospital, I still have to plea because we were able to donate only one bag of blood.

From then one, I have volunteered to donate my blood at least once or twice a year – at company-sponsored blood letting campaigns for Philippine National Red Cross (PNRC) and for National Children’s Hospital (where I got my armband “I Am A Blood Donor, And I Save Lives”), and at government hospitals like Amang Rodriguez Memorial Center (for the mother of my brother-in-law’s girlfriend) and Philippine Heart Center (for a relative of a churchmate).

Last week, another blood-letting campaign was organized by our company. I was able to convince my wife to join me. It’s our way of giving back to the company for its generosity during the onslaught of Ondoy last year.

I was approached by one of our bosses and teased me about doing it for another box of cake. And then, what she spoke really touched me. She said, “You know, we can really be of help to others in so many ways, even in our own simple ways. And that is by donating blood.” I nodded.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...