10 January, 2010

Kasalan

Bride:
Narito ang iyong mahal
Humihikbi’t nangangatal
Pagdating mo’y inaasam
Kapanatagay nais makamtan
Pangako mong pagbabalik
Aking lakas, bawat saglit

Lover:
Pinakamamahal, patuloy lang
Iyong mahal, nandito lang
Inihahanda ang ating tahanan
Magsasama kailanpaman
Pangako kong pagbabalik
Tutuparin, huwag mainip

Bride:
Ang bawat hirap na dinaranas
Umuubos ng aking lakas
Higpit ng iyong yakap
Akin ngang hinahanap
Luha ko ay pawiin
Pinakamamahal mo’y sunduin

Lover:
Patuloy mong panghawakan
Pangako kong binitawan
Ikaw nga ay kukunin
Puso nati’y pag-iisahin
Luha mo ay papawiin
Di na muling maninimdim

Bride/Lover:
Pinakamamahal, ako’y nananabik
Sa araw ng ating pag-iisang dibdib
Hinihintay na kasalan
Ng mga pusong nagmamahalan

Pinakamamahal, tayo ay magsasama
Sa piging ng aking Ama
Doon sa langit tayo ay aawit
Walang luha, walang sakit

Bride:
Panginoon, ako’y ba’y kukunin pa?

Lover:
Pinakamamahal, umasa ka.

I am my beloved's, and his desire is for me. (Song of Songs 7:10)

Sunset at Laguna de Bay, as viewed from the town of Pililla, Rizal

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...