19 August, 2009

Patuloy Lang


Matinik man ang iyong dinaraanan

Hirap at sakit man ay nararamdaman

Huwag ka kailanman susuko, kaibigan

Patuloy lang


May bagyo man sa iyong kinalalagyan

Na animo ba wala nang katapusan

Kapatid, lilipas din ‘yan

Patuloy lang


Pangyayari man ay ‘di maunawaan

Dalangin mo ma’y wala pang katugunan

Sa Kanya’y huwag kang mag-alinlangan

Patuloy lang


Nangako ang Diyos na makapangyarihan

Kahit kailan ‘di ka Niya iiwanan

Kaya’t huwag ka nang humikbi’t magdamdam

Patuloy lang


Madapa ka man dahil sa kasalanan

Pagpapatawad Niya’y laging nandiyan

Ika’y bibigyan Niya ng kalakasan

Patuloy lang


Ganyan nga, ngiti’y pakawalan

Dahil ika’y kanyang panghahawakan

Hangang sa dulo ng walang hangan

Basta, patuloy lang…

Koinonia, MCMXCVIII

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...