Panganay sa limang magkakapatid na puro lalake.
Grade 4 ang naabot sa paaralan.
Nagtrabaho bilang magsasaka ng palay at tubo.
Lumuwas ng Maynila noong binatilyo.
Nagtrabaho sa pagawaan ng likido.
Naging kaibigan si Pablo S. Gomez, sikat na manunulat sa komiks.
Naging janitor sa Clover Theater, kasama si German Moreno.
Kasama siya sa pag-ukit ng Lion’s Head sa Kennon Road sa Baguio.
Minsang nagpinta ng mga obra para ibenta sa mga establisimiyento
Ito ay para maitawid ang pamilya sa gutom.
Tatlong taong nagtrabaho sa Saudi Arabia.
Tiniis ang hirap at lungkot.
Mahinahon at mapagkapwa-tao.
Mahilig magtanim at magkumpuni ng kung ano-ano.
Humihimig ng awit minsan.
Mahilig magbasa ng diyaryo
Mapagmahal sa kanyang asawa.
Malambing sa kanyang mga anak.
Kasiyahan niya ang magdala ng pasalubong sa mga apo.
Masayahin at mahilig magkuwento
Lubos ko siyang Ipinagmamalaki.
Siya ang bida sa “Budoy”, isa sa aking mga kuwento
Mahal na mahal ko siya.
Junior niya ako.
Siya si Mang Fred, ang Tatay ko!
Happy Father's Day, Tatay!
“Remember how you used to rub my heavily gelled hair when I was a kid? It annoys me then. But now, I am missing it. Let’s kid around again.”
- Pedo Tabanera
Dad Notes, Manila Bulletin Father’s Day Section, June 20, 2004
1 comments:
bakit hindi:)
Post a Comment