Noong unang panahon, sa malayong kaharian, ang hari at ang kapitan ay lumikha ng isang barko.
Ito ang pinakamagandang barkong nilikha para sa kanyang natatanging gawain, dahil ang bawat isa ay may kani-kaniyang layunin.
Ang bawat isa na nasa barko ay may kani-kaniyang gawain.
Nang matuto na ang lahat sa kanilang gawain, naghanda na sila upang maglayag.
Bago sila umalis, binigyan sila ng hari ng tig-iisang panyo bilang simbolo ng kanilang katapatan sa kanilang hari.
Pinagsabihan sila nito na manatili sa kanilang tungkulin at huwag aalisin ang panyo na simbolo ng kanilang katapatan.
Sila ay magkasamang gumawa, puno ng kasiyahan dahil ang bawat isa sa kanila ay may sariling layunin sa kanilang paglalakbay.
Sa kabuuan ng bawat araw, palagi silang masayang nagsasalo-salo bilang ala-ala sa hari at ng kanilang magandang buhay na ibinigay sa kanila ng hari.
Payapa ang lahat ngunit sinira ito ng pagdating ng masamang piratang naghahangad na maging katulad ng hari.
Ang masamang pirata ay puno ng inggit kaya siya’y naghanap ng paraan upang masira ang kaharian.
Sa pagsapit ng gabi, isinagawa ng pirata ang panunukso sa mga kasamahan ng kapitan upang ibahin ang kanilang direksyon sa paglalayag.
Sinunod nila ang pirata at itinapon nila sa dagat ang kanilang kapitan at inangkin na nila ang barko.
Di nagtagal, may dumating na malakas na bagyo. Sinira ng malakas na alon ang kanilang barko.
Kinaumagahan, napadpad sila sa isang isla na napaliligiran ng puting buhangin, malalaking puno, na pinaninirahan ng mga pirata.
Sinalubong sila ng mga pirata at ang mga ito ay naghandog ng mga nakaaakit na pangako.
At nais ng kanilang pinuno na kapalit ay ang kanilang mga panyo na sumisimbolo ng kanilang katapatan sa hari.
Ayon sa kanilang pinuno, ang kaharian ng mga pirata ay mas masaya kaysa sa kanilang kaharian.
Sa isla ng kaligayahan, nagagawa nila anuman ang kanilang naisin.
Naakit ang mga tao sa magagandang pangakong binitiwan ng pinuno kaya ibinigay nila ang kanilang katapatan sa kanya.
Di nagtagal ang kasiyahan sa isla ng mga pirata sapagkat naalala ng mga tauhan ng hari ang kabaitan nito sa kanila.
Nang malaman ng hari ang masamang balita tungkol sa kanyang mga tauhan na nilinlang ang mga ito ng mga pirata, naawa siya sa kanila at nagbalak siyang sugpuin ang masasamang gawain ng mga pirata.
Hinangad ng hari na ang magiging kabayaran sa kasalanan ng kanyang mga tauhan ay isang buhay. Ngunit, kaninong buhay?
Ipadadala ng hari ang kanyang kapitan upang iligtas ang buhay ng kanyang mga tauhan upang maging malaya silang muli.
Gabi na ng dumating ang kapitan sa isla ng mga pirata.
Kasama ang matatamis na pangakong maging pinuno ng kanilang kaharian, kahariang puno ng kasamaan, subalit ang magiging kapalit ay ang kaniyang katapatan.
Hindi naakit sa matatamis na pangako ng pinuno ng mga pirata ang kapitan. Tinanggihan niya ang lahat ng mga ito.
Ang pirata ay takot na na mawala ang kanyang isla kaya’t nagpasya siyang patayin ito.
Woosh! Cling! Clank!
Thug! Thug! Thug!
Pagkatapos ng anim na oras ng pagpapakasakit, ang kapitan ay namatay.
Ngunit hindi pa ito ang katapusan dahil hindi isinuko ng kapitan ang kanyang katapatan at ninais ng hari na buhayin siyang muli.
Ngayon, ang lahat ay payapa na.
Nasa kapasyahan ng mga kasamahan ng kapitan kung nais nilang mabawi muli ang kanilang kalayaan at katapatan sa hari…
O nais nilang lubusang kalimutan ang pagmamalasakit sa kapitan at manatiling malayo.
Note:
The Allegiance Drama was brought here by the Lifeline Missions of Calvary Chapel Albuquerque in the late 90's. The american youths performed the drama in the slum areas of San Juan and Manila and infront of commercial establishments. The play has since been adapted by CC Manila, with the help of the Lifeline Missions (providing the props, make-up and costumes). The pictures above were taken during the church outreach at Brgy. Pindangan in Sison Pangasinan last May 2010.
0 comments:
Post a Comment