Pagkatapos ng eksaktong dalawampung taon, nakabalik ako sa paaralang aking pinagtapusan ng hayskul, ang Roosevelt College San Mateo (formerly Doña Aurora High School). I graduated there in March 1989 and I was able to come back last March 31, 2009 (to inquire about the possible enrollment of my daughter, Grace, who is an incoming freshman).
Nakita ko yung mga naging room ko noon, mula first year to fourth year. Halos pareho pa rin yung mga building, maliban sa quadrangle na lumuwag. May isa akong nakitang former teacher ko sa Physics, pero hindi ko maalala ang kanyang pangalan. Maraming nagbalik sa aking ala-ala…
Assignment . I remember my former teacher in YDT when I was in 1st year, si Ms. Yolanda. Mga unang buwan pa lamang ng school year noon, nagbigay siya ng assignment. Hindi ako gumawa, akala ko wala lang. Marami sa amin ang hindi gumawa kaya pinatawag niya yung mga magulang namin. Hiyang-hiya ako noon sa Nanay at Tatay ko. Umiyak pa nga yata ako noong sabihin ko sa kanila. Subalit dahil sa pangyayaring iyon, ipinangako ko sa sarili ko na magsisikap akong mag-aral, na patutunayan ko sa teacher ko matino akong estudyante.
Fitting-in. Naging kaklase ko nung first year yung isang kapit-bahay namin kaya I hanged-out with him, kasama yung iba pa niyang kaibigan. Mahilig sila sa rock music, magsuot ng bling-bling at sumakay sa mga patok na jeep ng Montalban. Naghihintay pa kami ng pagkatagal-tagal para lamang makasakay sa jeep na malakas yung sounds. Kadalasan, sumasabit pa kami. Eh marami namang maluwag na jeep! Hindi iyon ang tipo ko. I cannot allow myself to be changed just to fit it. So unti-unti, I distanced myself from them. Later on, nakahanap naman ako ng ibang kaibigan.
Christian. I first learned about the greatness of God’s love from one of my classmates in 2nd year, sina Esperanza and Maritess. They were churchmates then. They gave me my first Bible (I still have it with me) and some gospel tracts. The seed of God’s Word was first planted in me by those two. I want to meet them again so I can tell them how much they have affected my life, with how they lived their lives for God’s glory, with how they manifested God’s love through their actions.
Class President. I was vice-president when I was in second year. When I was in third year, my section (Kanlaon) voted me as their President. Then I was nominated as Consort. May nagreklamo, dapat daw hindi na ako i- nominate as consort kasi president na ako (what’s her problem?!). Discussions and debates ensued within the classroom. But our teacher said that it’s okey, so the election continued. And I won again. Walang lang…
Consort. When I was in third year, as the consort, I was asked to drive a pedicab (that served as the float of our muse). Eh hindi ako masyadong marunong mag-bike, tapos yung bike na nahiram ko, wala pang break. Ang nangyari, ilang beses kong naibangga yung bike, kasama yung muse, sa mga poste ng ilaw. Dyahi! But my Tatay was there behind me, watching me. That’s how supportive my tatay was. Thanks, Tatay!
III-Kanlaon. I remember Dennis, Edmund, Gloria (we call her Mumoy), Gemma, Joanna, Emmanuel, my classmates in III-Kanlaon. Masaya kami - hingian ng pagkain, ng pad paper pag may quiz, hiraman ng notebook, asaran pag walang teacher (at kahit may teacher). There was an instance, we had a recitation. Nag-usap-usap kami kung ano ang sagot tapos unahan kami ng pagtaas ng kamay at palakasan ng sigaw na, “Mam! Mam!”. Ako ang pinalad na tawagin ng teacher namin. Yun pala, mali naman yung sagot namin pare-pareho!
Crushes. I had crushes then, I just cannot mention their names here. But they know it. I even composed a poem then for one of them (corny!). Yung isa kong nagustuhan, binigyan ko ng sulat (wala pang cellphone & text messages noon) at card (which says, “I can’t help it any more, I have to say it, I love you!”, na binili pa ng ate ko para ibigay ko daw sa liligawan ko. Thanks, Ate!). Malapit na ang graduation namin noon. Sumagot siya at sabi niya, nahuli na raw ako, ang torpe ko daw kasi, kaya sinagot na niya yung isa niyang manliligaw. Sayang! Pero we’re both happy now with our respective partners.
Medic! Medic! I am not an athletic person, madali akong mapagod at mahilo sa initan. Tuwing C.A.T., kapag umikot na ang paningin ko, kapag naramdaman ko na na para akong lumulutang, kapag parang malalayo yung mga boses na naririnig ko, iyon na! Maririnig ko na lang sa paligid ko ang salitang, “Medic! Medic!”. Tapos, dadalhin na ako sa may likuran at paaamuyin ng ammonia. Magpapahinga na ako, hangang sa uwian. Hay, sarap!
N.C.E.E. Result. Binati ako ng mga classmate ko, balita kasi na ako ang nag-top sa batch namin sa Doña Aurora. Pati yung mga teachers ko, binati din ako. ‘Yun pala, di naman (hhmmp!). Yung katabi ko noong exam, na kaklase ko rin, ang nag-top. Pero imbes na magsaya, nahiya siya kasi alam niya, nangopya lang siya sa kung sino-sino, kabilang na sa akin. Ang daya! (I heard that he is already dead. Cause? Frat war daw.)
Parade. I wasn’t elected as consort when I was in 4th year but our adviser assigned me to escort our class muse, the Miss Senior, during the celebration of Roosevelt College’s Ruby Jubilee. Together with the contestants for Ms. DAHS Ruby Jubillee and their escorts, we paraded along J.P Rizal Street, from San Jose, Rodriguez Rizal to our school in Guitnang Bayan, San Mateo. Tuwang-tuwa yung mga bata na nadadaanan namin. Siyempre, proud sa akin ang pamilya ko. Ang saya-saya, ano ha?!
Recess. Madalas kong meryenda noon ay mani with free bawang at Coke. Minsan din, bumibili ako ng hamburger. Nakakatakam kasi tingnan, nakalabas kasi yung ham, parang punong-puno ng ham yung tinapay. Pero pag kinagat mo, kalahati lang ang laman kasi yung kalahati, yun yung nakalabas. Peke!
Contests. I joined a number of contests in high school. When I was in 2nd year, I joined the slogan writing contest during the Nutrition Week. My entry was, “Sa mga taong pandak, margarina ang dapat.” Akalain mo, hindi man lang naipaskil ang entry ko! Maganda naman ‘di ba?! Sura! I also joined sanaysay and essay writing contests when I was in fourth year. Sa sanaysay, 2nd place lang ako kaya hindi ako ang ipinanglaban sa ibang school. Natalo ako ng third year student! Sa essay, wala, talo lang. I was also chosen as one of the AI Student contestant. Tatlo lang kaming napili, ako lang ang lalaki. Ganoon uli, talo. But these are some stories I tell my kids now. Naaaliw naman silang makinig.
Uniform. I only have one set of uniform in high school, one set per year level. When I get home from school, lalabhan ni Nanay or ng kapatid ko yung polo shirt ko. Kahit hindi pa tuyo, papalantsahin na, kasi gagamitin ko na naman kinabukasan. At the end of every school year, manipis na at nangingitim na ang polo ko. Dyahi! But I am proud of my parents, they really worked hard so I can study in a private school. Marami silang inutangan para makabayad ako sa tuition fees ko. Mabuhay ang aking Nanay at Tatay!
Star Section. Nag-submit ako ng project sa Math noong 2nd year ako, parang crossword puzzle iyon pero numbers yung sagot. My teacher, Mr. Tompong, liked it (first time kong makakuha ng line of 9 sa card!). He approached me and asked kung gusto kong ma-transfer sa star section. Natuwa ako siyempre pero kinabahan din. Banat ng mga classmates ko, huwag ko daw sila iwan. So I decided na huwag na lang. Nung third year naman, dapat daw star section na ako kaya lang, nahuli ako ng pag-enroll. Hindi kasi agad nakahagilap ng pang-tuition ko sila nanay at tatay. Kaya, nung fourth year na ako napabilang sa Section 1. Pero okay lang, at least na-meet ko yung iba ko pang kaibigan at kaklase.
13th honor. Mayroon pala akong isang certificate, noong naging 13th honorable mention ako, 2nd grading noong 4th year ako. Nagkaroon ng leakage on one of our periodical tests, and almost half of my classmates got hold of the copy of the said leakage. Hindi ako kasama doon. So ang nangyari, those who cheated were disqualified on the honor roll. Dahil doon, kaya lang ako nakakuha ng honor. Pero ang nanay ko, proud na proud pa rin, ipinamamalita pa sa kamag-anak namin na may honor ako. Ang mga nanay talaga!
Tabing-ilog. Noong nasa 4th year ako, ang upuan ko ay nasa tabing bintana, tanaw ko ang ilog na patungong Marikina River. May mga tanim na gulay at may bukid pa noon sa gilid ng ilog. Madalas akong tumanaw doon, nangangarap, nagmumuni-muni (kahit pa may titser ako na nagdi-discuss sa harapan). Buti, hindi ako nahuhuli.
Gotcha Guys. Nabuo ang grupo bago matapos ang 4th year namin, habang nagpapa-practice para sa graduation. Siyam kami sa grupo - ako, si Ronald (now working in Dubai, naiwan sa Pilipinas ang kambal nilang anak ni Leony), si Leo (fathered a child at age 18, teen-ager na ang anak niya ngayon), Randy (HR manager na sa Jollibee, single pa rin daw), si Edward (ang singer ng grupo, madalas kaming tumambay sa bahay nila noon), si Robert (naging principal ng AMA, wala na akong balita sa kanya ngayon), si Allen (laging may problema sa pag-ibig, maraming naging girlfriend, daw?!), si Danilo (nasa Amerika na, di ko na alam kung ano nangyari sa kanya) at si Justin (joker ng grupo. I went to his wake mga four years ago, nag-commit daw ng sucide habang lasing, but his family denies it. Naaalala ko siya sa kantang “Buloy”).
Adventures. Marami kaming pinagsamahan nung mga barkada ko. Umakyat kami ng Mount Buntis, na naligaw-ligaw kami, and we thought we won’t be able to find the way out. Nag-bonfire kami sa may bukid at naghabulan na parang mga batang paslit. Nag-picnic kami sa ilog sa may Marang, nanood ng sine at namasyal sa Cubao, um-attend sa debut ni Mona, at nakinig ng music ni Andrew E. at Milli Vanilli. Tumambay at natulog kami sa bahay nila Ronald at Edward. Walang humpay ang aming kuwentuhan at tawanan. Hanggang sa kung saan-saan na nga kami dinala ng aming mga pangarap at prinsipyo. Kumusta na kaya sila?
Other Classmates. I remember Carlos, my small buddy when I was in 2nd year. I remember Dennis, na laging nangongopya sa akin noong 3rd year ko. I remember Andrew, isang taong may prinsipyo kahit noon pa man. Hindi siya nangongopya at hindi rin siya nagpapakopya. I remember Chona and Cecille, mabait kasi sila sa akin when I was new in their class. They made me feel at ease. I remember my best friend Ronald, who was really determined. Pinatunayan niya iyon sa maraming pagkakataon. At nagtatagumpay naman siya. Sana magkita-kita uli kami…
Graduation. I remember that one of my classmates remarked that I was too happy and too loud, habang nagpipiktyuran kami-kami ng classmates ko। At kitang-kita iyon sa mga pictures ko sa bahay. Bakit, eh sa masaya ako eh! May guma-graduate ba na malungkot!? Pero may malungkot noong graduation ko, yung isang bestfriend ng ate ko. Kasi, nandoon din yung isa pang bestfriend ng ate ko. Selos siya. At kitang kita din iyon sa picture!
- Postscript: My daughter Grace is now enrolled in Roosevelt College – San Mateo. She qualified as a Board of Trustee (BOT) Scholar.
- Picture of RC-San Mateo, courtesy of www.batangsanmateo.com.
- Picture of Pete, taken at La Mesa Eco Park.
6 comments:
I tried reading almost all entries, nakakatuwa kasi sya. I am happy for you, you of strong faith. I pray I may also have that kind of faith in our Lord.
20 years, I thought magkakaroon ng reunion ang Gotcha guys. It seems everybody are too busy. Two decades of friendship. I always defined our friendship(Gotcha Guys) as something that will always bond us even if we don't see much of each other. Saan man ako mapadpad o makarating our friendship will always be there with me.
Keep blogging, I feel connected just reading your blogs. Regards to your family.
-allen
Thanks, Allen. I was surprised to hear from you, after so many years. Please send you email ad so we can get in touch.
Thank you so much for letting me know about your blog. You can't imagine how happy I am to get in touch with you. I am laughing out loud reading your chronicle this morning. It is so funny that I was even asked by my officemates what I am laughing about. I have to explain to them everything and they too laughed..hahaha. I am not sure if you still remember the time I talked to you personally about your decision of being aloof to "us". Now, I realize it makes sense. I am so lucky to know you and our circle of friends — "Gotcha guys".
Each of us have different lives now but the memory still linger on. I will treasure our friendship forever. Thank God, I still have contact to some of our friends although they seldom reply, I just keep sending them email to let them know I still remember them.
It took so long for me to get in touch with you though. For now, all I have to do is go to your blog and know what is happening to you. Now, I have communication with you.No excuses..hehehe.
How I wish I can come back soon so I can see all of you again. Sana nga magka reunion uli tayong lahat. Hope I can see your family and the rest of our friend's family.
Your blog is truly inspiring. Keep it going.
Keep up the good work!!!
Danny
Danny, thanks for dropping by. I'll keep in touch, promise.
wow! it's worth reading d 'bente'. now my memories keep coming back during those years... time flies so fast, 2 yrs from now i might send my daughter there as well.
i miss julius (note: napagkamalan lang syang kasali sa gulong iyon kaya nasaksak) and justin (so much in love with the girl and his son, and his mum even told me on his wake, "sana ikaw na lang ang naging daughter-in-law ko"). They were both masayahin at tahimik na tao but don't worry Justin had accepted Jesus before he passed away, napatanggap sya ng Pastor neighbor nila.
Being in Dona is one of a kind, we had lots in common isa na run ung mga pangarap, and now we are here.Having a true journey in this life with our family is tough without our Savior. Thanks God we belong n d same family.
Keep writing, i love to write and read, but as of now reading muna ako :) May God's total wisdom be with u always. u inspire many people. ur life has an impact to those around you. God bless more and more...
-chie
Chie, thanks for the appreciation. I get more inspired to write. Pasyal ka uli.
Thanks also for the info about Julius and Justin. Hope you get to create your own blog soon ("I'll follow it, for sure!).
May the Lord keep you and your family there in Brunei. God bless, Sis!
Post a Comment